Thursday, October 24, 2013

Eat Bulaga Episode 10/04/13 - The Rivalry Begins

Skip to 11:03 min sa video

October 4, 2013 Magkasama sina Jose, Paulo at Ruby na nagbayanihan. Siyempre medyo nagkulitan sila muna at dahil tisay rin si Ruby biglang nag segue si Jose para I-introduce ulit si Val. 



Go lang ng go!!!

Pinasubok nila si Val kung kaya niya basahin ang mga message sa papel. Siyempre dahil matapang rin si Val sinubukan niya. Medyo sumabit lang ng konti dahil di pa sanay sa Tagalog. Pero nakabawi naman dahil biglang nag ad-lib si Val at napabilib sina Jose.


Sweetest smile in Showbiz?

Tapos tinanong ni Jose si Val kung marunong ba siyang kumanta at kung ano ang favorite song niya. Ang favorite song niya pala ay "Huling El Bimbo" ng Eraserheads. Nagpasample ng kanta si Val.  Siyempre dahil makulit si Jose tinira niya si Belle na nasa studio. "Baka pwede nang pamalit ito kay Belle." Boom. The rivalry has begun. Kumanta muna sila ng sabay ng "On My Own". Sabay asar nina Paulo at Jose kay Belle. Biglang nagchange ng kanta si Val at kinanta muli ang "Huling El Bimbo" Todo halakhakan ang mga audience.

Hataw kung sumayaw si Val.

Nagchange topic bigla si Jose at hinamon naman si Belle ng sayawan kung kaya niya matapatan si Val. Sumayaw muna sila ng "Look up, Look up". Siyempre memorize na ni Belle ang sayaw kaya nakasabay. Nagrequest ulit si Jose na ibahin ang music. "Party, Party" naman ang sinayaw nila pero dun lumabas na ang totoong potential ni Val. Grabe pala siya kung humataw. Natural dancer. Taob si Belle.

Jose: "Belle ano yan tinikling?"
Paolo: "Parang inasinan si Belle!!!"


From writer to host?

Mukhang nagustuhan ng Production Director nila na si "Pat" si Val kaya pinasabak na kagad nila ito sa hosting. Si Ruby naman ay ginagaya si "Pat" at umaakting na parang PD. Si Val naman ay unti-unting nakikisabay na sa hosting marunong ng humirit kahit baguhan pa lang. Tinatanong rin niya ang Sugod Bahay winner kahit papaano.

Jose: "Aba marunong mag Bless."
Val: "Oo naman."  

Nakakatuwa si Val. Kahit na lumaki siya sa Germany marunong siyang mag-mano at mag-po at opo. Val promotes positive Filipino values. Dapat tularan ang mga ganyan. Ang isa pang nakakatuwa kay Val ay kahit na dilapidated ang bahay ng Sugod Bahay winner ok lang sa kanya. Kahit na may mga dumi ng manok at mga langgam sa sahig, ni isang beses hindi siya nag-display ng "disgust" or kaartehan. Walang kaarte-arte kahit na supermodel siya. Ang maganda pa nito nagtatagalog si Val. At walang Conyo accent. Tagalog talaga.

Jose: "Ano ba to. Puro mestizo at mestiza na kasama ko rito."
ROFL


Nakakatawa naman manggulat si Val.
Paulo: "Wag mong sigawan!!!"
Allan K: "Hindi nakakagulat....nakakainis."


Ang dami kong tawa sa episode na to. Kahit baguhan lang si Val, hindi siya na out of place at maraming funny scenes ang nangyari sa interview. Siya na kaya ang magko-complete sa bagong trio? Will Valerie Weigmann replace Wally Bayola? Abangan na lang natin kung ano ang mangyayari....




1 comment:

  1. Please do keep on posting articles about Valerie Weigmann. I just love her to death! Thankyou :))

    ReplyDelete