Wednesday, November 13, 2013

Eat Bulaga Episode 10/12/13 - Flip Eat Filipino Rap Daberkads In The Hauz

Skip to 16:02 min sa video

Habang papunta sina Jose at Paulo sa Sugod Bahay winner, may nadaanan silang squidball vendor. Siyempre makulit si Jose kaya kumain muna ng paninda. Dahil mahilig rin si Valerie sa squidball, ininvite na rin ni Jose na makikain nito.

Val: How to eat ba?
Jose: How to eat? Lagay mo lang sa bibig mo.
Paulo: Of course with your mouth.

Sinubo kagad ni Val yung squidball kahit mainit ito dahil galing sa kawali.

Ayun napaso tuloy yung dila...yun nga lang...

Jose: Sawsaw muna...

Di ata napansin ni Jose na nasubo na ni Val yung squidball. Etong si Val naman sinawsaw talaga yung squidball sa sauce. Nagsi-hiyawan at tawanan ang mga studio audience.

Vic: Pambihira!!! Sinubo bago sinawsaw!!!

Kahit mainit sinubo pa rin ng buo...

Vic: Baka di makapag-rap yan mamaya pinaso mo yung bibig niyan.

Ayos rin to si Val. Pwede sa slapstick comedy. Pwede niyang i-develop yung persona niya as klutzy or naive na person tapos si Jose yung magtuturo ng tama syempre in a comedic manner. Parang wala pang ganun klaseng comic duo sa Pilipinas. Sa Japan, meron ng babae na sumikat dahil sa ganun na style at isa rin siyang fashion model. Ang pangalan niya ay Rola(ローラ). Anyway, back to OJT muna ulit si Valerie.

 
Buti naman at natandaan ni Jose na bayaran ang squidball vendor.

Dahil mamaya na ang Flip Eat Filipino Rap Daberkads. Nagpasample muna ang bawat team.

English ang tirada nina Julia at Belle. Yun nga lang binabasa ni Belle yung rap niya.


Si Valerie naman "Humanap ka ng Panget" ang kinanta pero siyempre di ulit binabanggit ang salitang pangit habang nakatingin kay Jose.

Si Ryzza naman nagpa sample rin ng rap.

 Dahil simple at maganda yung rap ni Ryzza, na-compare na naman ulit ito ni Jose kay Belle sabay na rin pang-asar. Lalong uminit tuloy ang rivalry.
Jose: Ganun yung pagra-rap. Naiintindihan. Hindi yung binabasa mo na yung nira-rap mo. Hindi pa maintindihan.

Syempre di pwedeng matapos ang Bayanihan pag walang "Look Up"


.
 Full video ng EB Dabarkads Rap Battle

Ang unang grupo nag perform sa Flip Eat Filipino Rap Daberkads In The Hauz ay ang Busta Rhymes Gang: Allan K, Ryan Agoncillo, Julia Clarete, Pauleen Luna at Ruby Rodriguez. Ang rap nila ay parang mix ng "Humanap ka ng Panget" ni Andrew E, "Stupid Love" ng Salbakuta, "Ice Ice Baby" ni Vanilla Ice at "Kagat Labi." ni Joey de Leon.

Ang next group naman na nagperform ay ang mga Rap Attack-takers na sina: Michael V., Anjo Yllana, Kempee de Leon, Pia Guanio at ang rival na si Isabelle Daza. And rap naman nila ay remix ng "Taktak mo" ni Joey de Leon. Well at least may orig na lyrics na dinagdag siyempre dahil nanjan si Michael V.

Siyempre may solo part si Belle.

Vic: Ang galing sumayaw ng isa...parang pumapatay lang ng ipis.

Siyempre ang huli nagperform ay ang ating inaabangan...ang Christmas Rappers: Siomai Rapper Jose, Candy Rapper Paolo at Gift Rapper Val. Ang rap naman nila ay parang remix ng beat ng "Look Up, Look Up" pero original ang lyrics at walang recorded na music meaning live talaga. Siyempre with special participation ang barangay.

Val: Yo, yes yes yo. Yo yo, yes yes yo, Yoyoyoyo...

 
Vic: Ang hirap ng ginawa ni Val ang daming minemorize...

Parang big time production number ang performance at malakas ang audience impact sa Christmas Rappers. Siguradong madaming text votes na makukuha.

Val vs Belle Showdown na to
Kinakabahan na si Belle sa result.

At siyempre ang final tally ng text votes...82, 744, 85, 112 at ang winner nakatanggap ng 109, 371 text votes ay ang...CHRISTMAS WRAPPERS!!!

Mukhang di nagustuhan ni Belle ang resulta...LOL

Val - 1   Belle - 0

Mukhang nakaisa si Valerie ngayon kay Belle. Medyo marami rin ang nag vote sa kanilang group. Pero hindi pa ito ang katapusan ng rivalry nilang dalawa. Dahil hindi pa sila nagkikita ng personal...Kaya abangan ang susunod na kabanata...

No comments:

Post a Comment