Saturday, November 9, 2013

Eat Bulaga Episode 10/11/13 - Humanap ka ng....

Skip to 3:53 min sa video


Mabuti naman at umpisa pa lang ng Juan for All nanjan na kagad si Valerie at sumasayaw ng Look Up, Look Up. Dahil bukas na ang Dabarkads Rap battle...mukhang naghahanda na sina Jose, Paulo at Val. Kahit tatlo lang sila at tag-lima ang members ng mga kalabang team ay lalaban pa rin sila. Kaya pina-rap na rin ni Jose si Val ng "Humanap ka ng Panget". Yung nga lang hindi sinasabi ni Val ang salitang "panget" pagnakatingin kay Jose. LOL

Val: Kung gusto mong lumigaya ang iyong buhay, humanap ka ng ..... at ibigin mong tunay.
Jose: Di nga tinutuloy yung pangit sa akin naman nakatingin.

Jose: I'm pangit?
Val: Hindi, wala naman akong sinabi no..

Val: Yo yo yo. What's up yo. Yes yes yo.
Vic. Parang kasasama sa inyo, parang kinikiriring na.
Jose: Nung una to ayaw bumaba ng kotse. Ngayon lumalakad ng mag-isa rito.

Kahit top model si Valerie may kenkoy na side rin pala siya. Marunong makisabay sa kulitan ni Jose at Paulo. Ganun naman talaga pag nasa Eat Bulaga ka dapat medyo kalog at pang-masa. Bihira lang siguro na makakita ng ganitong kagandang babae na kalog at marunong makisama. Yun nga lang hindi muna nag-host si Val sa episode na to. Back to OJT lang muna at taga-pasa ng regalo. Ok lang naman dahil kwela rin ang Sugod Bahay winner kaya enjoy rin ang episode kahit papaano.

No comments:

Post a Comment