Thursday, November 7, 2013

Eat Bulaga Episode 10/10/13 - Si Val at si Tito Sen

Skip to 11:56 min sa video

Dahil ang mga Dabarkads ay may rap contest sa Sabado mukhang ngayon pa lang ay nagpapakitang gilas na sila kung sino ang tunay na magaling. Team A sina Ryan, Allan K., Pauleen, Jimmy at Ruby. Team B naman sina Pia, Belle, Julia, Anjo at Bitoy at siyempre...Team C sina Jose, Paulo at Val. Siyempre parang showdown na rin ito nina Val at Belle. Mabuti na lang at wala ngayon si Belle sa studio...


Pinasubok ni Jose si Val kung marunong siyang mag-rap. Siyempre walang inaayawan ang ating idol kaya go lang ng go. Kumanta siya ng "Humanap ka ng Panget". Yun nga lang hindi niya sinasabi yung salitang pangit pagnakatingin siya kay Jose.


Ang problema nga lang parang ayaw ni Tito Sen kay Val...dahil hindi pinapatapos ni Tito Sen yung rap ni Val. Sayang at mukhang may punchline pa sana yun na gustong i-build up ni Jose. Yun nga lang hindi natapos yung rap ni Val...


Sabi ni Tito Sen, pasayawin na lang si Val pero wag pagsasalitain sa rap contest sa sabado...Naku kawawa naman si Valerie. Well...ganun naman talaga mag-biro si Tito Sen kahit nuon pa. Kung si Vic ay slapstick, si Joey naman ay mga green jokes at puns, si Tito Sen naman medyo sarcastic yung style ng jokes niya. Kung hindi ka talaga familiar sa TVJ medyo magulat ka talaga. Ewan ko lang kung nagkita na si Val at Tito Sen. Para sa akin, medyo mahirap magkipag-joke sa taong hindi mo pa masyadong close...Mabuti na lang at medyo marunong makipaglaro si Jose so medyo nabaligtad niya ang situation at least hindi masyadong napahiya Valerie. Game rin naman siya so ok lang sa kanya yun.

OJT muna

"Ang Reyna ng Look Up, Look Up" - Jose

Bottomline: Joke lang yung sinabi ni Tito Sen kay Valerie kaya easy lang kayo mga pare...

No comments:

Post a Comment