Tuesday, November 5, 2013

Eat Bulaga Episode 10/05/13 - The 2nd Showdown

Skip to 15:05 min sa video

October 5, 2013 Magkasama ulit sina Jose, Paulo at Ruby na nagbayanihan. Naka-costume si Paulo as Nora Aunor at si Ruby naman parang ginagaya ulit yung Production Director nila na si Pat. Habang tinatanong nila yung Sugod Bahay winner, biglang nagtanong si Bossing Vic kung nasaan na yung tisay na writer. Siyempre walang inaayawan si Val kaya naghost ulit siya.



Vic: Ano pangalan nyan?
Jose: Valdomaro

Jose: Hi ka muna kay Belle, ang sama ng tingin sayo eh.
Val: Hello, Belle.
Belle: Hi, Val.
Jose and Paulo: Plastic!!!

Todo asar si Jose kay Belle. Sabi niya nilampaso ni Val si Belle nuong magshowdown sila last time. Siyempre hindi papayag si Belle matalbugan ni Val. Kaya nag-Mashup ulit sila. Kumanta si Belle ng "Price Tag" at "Bebot" habang sumabay si Val at kumanta ng  "Bakit Pa".

Kahit magulo ang "mashup" nila sobrang nakakaaliw naman. Siyempre next na showdown ay nila ay sayawan. Of course, yan ang forte ni Val.


Habang humahataw si Val nagra-rap naman si Jose. Kahit si Vic eh napatulala sa sayaw ni Val.


Mukhang may plano talagang ipa-showdown silang dalawa.

Siyempre katulad ng last time pinahost rin si Val at in-interview rin niya ang Sugod Bahay winner. Kahit nagkakamali si Val dahil hindi pa sanay sa paghohost nakakatuwa pa rin siya at marunong rin siya humirit pag kinukulit siya ni Jose at Paulo. Dahil medyo curious rin si Bossing napunta na tungkol kay Val ang usapan.


Ayon kay Val, namatay na pala ang tatay noong 14 years old pa lang siya. Ang nanay naman niya ay kasalukuyang nagtatrabaho sa Germany.

Jose: Ayan namatay na ang tatay mo. Bigyan natin ng Bossing savings para makaipon.
Allan K: Hoy may pera yan. Euro ata pera niyan.

May pera naman talaga si Val dahil isa siyang model(ramp, print and commercial) at co-owner ng Bamm German-Turkish restaurant. At the age of 24, kaya na niyang buhayin ang sarili niya at bayaran pati na rin ang schooling niya.

Pinapawisan rin pala si Val.


Si Jose naman pinahiram niya si Val ng towel pero bago niya ibigay ito, pinunasan muna niya ang pawis niya at pati na rin sipon. ROFL.

Game naman si Val at ginamit talaga ang towel. LOL

Parang si Valerie pa lang ata ang tisay na celebrity na walang ka arte-arte. Kahit mainit at pinapawisan ok lang sa kanya. Yung ibang Darbakads tulad ni Pauleen at Isabelle parang medyo ayaw nila pag naassign sila sa barangay. Talagang bagay si Valerie maging host ng Juan for All. Sa palagay ko naman lalong dadami ang opportunities niya dahil sa exposure niya sa Eat Bulaga.


No comments:

Post a Comment